BULGAR
OKTUBRE 13, 2006
SHOWBIZ SPECIAL
ni Janice DeLos Santos Navida
Hanga kami sa galing umarte ng mga batang gumanap bilang Charming, Krystal at Lorraine sa Bakekang. Kahit yata bato ang puso mo, mapapaiyak ka sa mada-dramang dialogue ng mga bata, lao na ni Charming.
Pero di kami impressed sa ipinakikitang acting ni Sheryl Cruz na gumanap na kontrabida ni Sunshine Dizon as Bakekang. May pagka-trying hard ito at nandun pa rin ang pamumungay ng mga mata nito na parang nagpapa-cute nu'ng dalaga pa sya, to think na ang eksena ay nagtataray na sya, huh?
Sana ay bawas bawasan na ni Sheryl ang pagiging OA ng acting nya at maging natural lang na kontrabida.
Pero saludo naman kami sa mga sumusulat ng kwento at script dahil tumitimo sa dibdib ang bawat salitang binibitawan ng mga karakter sa Bakekang, lalo na ng mga bagets.